Mga kalat at basura, hindi naging problema sa ginanap na Nationwide Rally for Peace

Mahigit dalawang oras mula nang matapos ang ginawang Nationwide Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo (INC), halos wala nang bakas ng mga kalat o basura sa paligid ng Quirino Grandstand at sa Luneta.

Ito ay dahil hindi pa man natatapos ang programa kaninang hapon, kabi-kabila na ang paglilinis ng mga naka-toka at maging ang mga miyembro nila ay may mga nagdala rin na sariling garbage bag.

Naging maayos naman ang paglabas sa grandstand ng mga nakiisa ng rally na pabalik sa kani-kanilang mga sasakyan.


May iilan-ilan pa rin na nagtitipon muna habang hinihintay ang kanilang sasakyan o mga kasama.

Nananatili namang mabigat ang daloy ng trapiko sa mga kalsadang nakapalibot sa grandstand dahil sa mga nag-aalisang sasakyan kabilang na ang mga bus.

Facebook Comments