Mga Kalimitang Tanong sa Mga Job Interview

First time mag-apply sa isang trabaho? Hindi alam kung anong sasabihin? Ito ang ilang mga kalimitang tanong ng mga interviewer sa mga aplikante:

1. Tell me something about yourself.

Ibigay ang basic na detalye sa sarili mo pero huwag mo nang banggitin ang mga bagay na nakalagay sa iyong resume. Maging direct to the point.


2. Anong alam mo tungkol sa kumpanya?

Bago mag-apply sa isang kumpanya, mag-research muna tungkol dito. Banggitin ang mga positibong bagay tungkol sa kumpanya.

3. Bakit ka namin dapat tanggapin?

Banggitin mo kung ano ang mga magagandang qualities na meron ka kumpara sa iba.

4. Ano ang iyong mga propesyonal na kalakasan?

Banggitin ang mga skills o kakayahan mo na makakatulong para sa kumpanya.

5. Ano ang iyong mga kahinaan?

Mag-isip ng mga bagay na kahinaan na maaari mo ring gawing strength.

6. Ano ang mayroon sa iyo na wala sa iba?

Iwasan na magtunog mayabang.

7. Paano mo nakikita ang sarili mo sa susunod na limang taon?

Isama mo sa plano mo ang kumpanyang pagtatrabahuan mo.

Facebook Comments