Mga kalituhan sa mga special vaccination sites sa Quezon City Kaugnay ng 3-day National Vaccination, nasolusyonan na; bakunahan ngayong araw, naging maayos na

Nawala na ang mga kalituhan sa mga vaccination sites sa nagdaang dalawang araw ng National Vaccination, may mga walk-in vaccinees ang nadismaya dahil walang first dose at pediatric vaccination sa napuntahan nilang vaccination sites.

Pero, matapos linawin ng Local Government Unit (LGU) na nakalagay sa Facebook (FB) page ng QC government ang mga venue, schedule at klase ng vaccine, gayundin ang mga magpapa-booster at sa kukuha ng 2nd dose, naging maayos ang proseso ng bakunahan ngayong araw.

Sa ngayon ay kinokolekta pa ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (ESU) ang mga datos mula sa vaccination sites.


Target ng QC government na mabakunahan ang abot sa 150,000 na indibidwal sa tatlong araw ng National Vaccination.

Maliban sa pagbabakuna ng first doses, ipinagpatuloy ngayong araw ang pagbibigay ng booster shots at second doses sa pediatric at adult population sa lungsod.

Nag-deploy ang QC Health Office sa mga special vaccination sites ng COVID-19 vaccines kung saan 229,000 doses dito ay AstraZeneca.

Kabilang sa mga itinalagang special vaccination sites ay mga mall, mga fast food chains at mga eskwelahan.

Facebook Comments