Rizal, Philippines – Inanunsiyo na ng lokal na pamahalaan ng Rizal na maaari ng daanan ng mga motorista ang mga kalsada na nalubog ng baha matapos tumama ang bagyong Maring.
Ayon kay Loel Malonzo, officer ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), sinimulan na nila kaninang umaga ang clearing operation at damage assessment.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Malonzo na halos lahat ng mga evacuee na naapektuhan ng bagyo ay nakauwi na sa kailang mga bahay pwera na lamang sa mga residente sa Taytay, Rizal na tinamaan ng landslide.
Facebook Comments