Cauayan City – Lubog sa baha ang ilang kalsada sa Tuguegarao City matapos umapaw ang Ilog Cagayan at Pinacanauan River bunsod ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng Shear Line.
Kabilang sa mga binahang lugar ang Centro 10, Centro 11, Centro 1, at Gunnacao Street na patungo sa Pinacanauan Avenue.
Patuloy ang monitoring ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente kasama kasama ang iba’t ibang ahensya para sa maagap na pagresponde sa anumang emergency na maaaring mangyari.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang mga apektadong lugar upang maiwasan ang anumang peligro.
Mahigpit din ang paalala na manatiling updated sa lagay ng panahon at sumunod sa mga abiso mula sa awtoridad.
Sa kabila ng sitwasyon, nananatiling handa ang lokal na pamahalaan upang magbigay ng tulong at suporta sa mga pamilyang apektado ng pagbaha.