Mga kalsadang pansamantalang isinara dahil sa epekto ng lindol, binuksan na ng DPWH

Binuksan na sa mga motorista ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kalsadang pansamantalang isinara matapos magkaroon ng problema dahil sa nangyaring lindol.

Partikular sa ilang mga pangunahing kalsada sa Cordillera Administrative Region o CAR at Ilocos Region.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang mga kalsadang ito ay ang Abra – Kalinga Road, Abra – Ilocos Norte Road at Abra-Cervantes Road.


Gayundin ang Asin Road sa Baguio City, Marcos Highway, Benguet-Nueva Vizcaya Road, Baguio – Bauang Road at Congressman Andres Acop Cosalan Road.

Madaraanan na rin ng mga motorista ang Mt. Province-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road, Kalinga-Abra Road, Mt. Province-Cagayan via Tabuk – Enrile Road at Mt. Province-Ilocos Sur Road.

Habang sa Ilocos Sur ay binuksan na rin ng DPWH ang Santa Rancho Road partikular ang Calungbuyan Bridge.

Sa kasalukuyan, walong kalsada pa ang inaayos ng DPWH Quick Response Teams sa CAR at Region 1 kung saan ang inisyal na halaga ng national roads na nasira ay tinatayang aabot sa P59.23 million.

Facebook Comments