Mga Kamag-anak ni ‘Ka Aira’, Nagpasalamat sa Militar dahil sa Pagkahanap sa Kanyang Labi

Cauayan City, Isabela- Nagpasalamat ang mga kamag-anak ni Justine Bautista o alias ‘Ka Aira’ sa pwersa ng militar para hanapin ang kanyang labi upang mabigyan siya ng disenteng burol at libing.

Si alyas ‘Ka Aira’ ay dating estudyante ng isang unibersidad sa Tuguegarao City bago ito na-rekrut na maging miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA).

Hinatid ang kanyang labi sa barangay Guibang sa Gamu, Isabela sa tulong ng 5th Civil-Military Operations Battalion (5CMOBn), 5th Infantry Division, Philippine Army, kasama ang Cagayan Police Provincial Office at ng Baggao Municipal Police Station.


Ayon kay Major Jekyll Julian Dulawan, chief ng DPAO ng 5ID, hindi naman nag-atubili ang mga kamag-anak ni Ka Aira na bigyan siya ng disenteng burol dahil ang pamilya nito ayon na rin sa pagpapatunay ng mga sumukong dating rebelde ay aktibo pa ring mga miyembro ng rebeldeng grupo.

Nagpaabot naman simpatiya si MGen. Laurence Mina, 5ID Commander sa pamilya ng nasawing rebelde na dating estudyante.

Facebook Comments