Tiniyak ni Philippine Army Commanding General Lieutenant General Gilbert Gapay na handa ang lahat ng kanilang mga kampo nationwide sakaling kakailanganin ng dagdag na pasilidad para sa mga COVID- 19 patients.
Aniya hindi lamang ang Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig ang naghanda ng mga gusali para gawing quarantine area ng mga nandito sa Metro Manila.
Nagbigay na rin daw sya ng direktiba sa mga units ng Philippine Army sa buong bansa na maghanda ng containment facilities para sa mga COVID-19 patients.
Bukod dito pinaghanda rin ni Gapay ang mga ospital sa mga kampo ng Philipine Army nationwide partikular ang pagkakaron ng isolation room para sa mga posibleng COVID patient.
Aniya pa dito sa Luzon ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na dating Drug rehabilitation ang malaki nilang pasilidad ang inihanda nila sakaling kakailanganin dahil mayroon itong 10,000 facilities.
Sa huli bagamat bagamat handa pakiusap pa rin ni Gapay sa publiko manatili sa bahay para mapigil ang paghawa hawa ng virus.