Santiago City, Isabela- Muling ininspeksyon ng Station 1 PNP Santiago City ang mga kanal na posibleng daanan ng mga kawatan kahapon, Enero 30, 2018 sa lungsod ng Santiago, Isabela.
Ito ay sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rolando Gatan ng Station 1 PNP Santiago City kasama ang iba pang sangay ng kapulisan.
Ikinatuwa ng hepe ang naging resulta ng kanilang inspeksyon na walang anumang bakas ng paghuhukay na sinyales ng panloloob.
Magugunitang nilooban at ninakawan ng mga hindi pa matukoy na suspek ang isang sanglaan sa lungsod noong Enero 3, 2018 na kung saan dumaan ang mga ito sa mga kanal at Nalimas ng mga suspek ang 2.7 milyong pisong halaga ng mga alahas at pera.
Sa mismong panayam ng RMN Cauayan News Team kay PCI Gatan, kanyang sinabi na tuloy-tuloy lamang ang kanilang inspeksyon upang masiguro na hindi muling mabiktima ng mga kawatan ang mga Bangko at Sanglaan.
Iminungkahi naman ng hepe sa City Engineering ng lungsod na dapat malagyan na ng rehas ang mga bukas na main kanal upang hindi na madaling pasukin ng mga kawatan.
Payo pa ng hepe sa publiko na dapat maging alerto at doblihin ang pag-iingat kontra sa mga mapagsamantalang kawatan.