Nagpakitang gilas at nagpatalbugan ng husay sa pagkanta, sayaw at iba pang talento ang 13 kandidata ng Search for the Mutya ng North Cot 2017 sa President Roxas Municipal Gym kahapon.
Bago ang talent presentation, rumampa muna ang nagggandahang dilag suot ang kulay pulang damit at ipinakilala ang kanilang mga sarili sa madla na dumagsa sa loob at labas ng gym.
Hiyawan at palakpalakan naman ang mga manonood ng lumabas ang kanilang mga kandidata at nagpamalas ng talento.
Kabilang sa mga kandidata ng naturang search ay sina Rizzalyn del Mundo, Shirlyn Kaye Donque, Julena Domingo, Paula Shen Vinluan, Jan Yve Pido, Charmaigne Cleo Olarte, Rica Jane Sabanal, Cryslyn Jabonero, Kreizl Conli Dominado, Chellsy Loise, Resaba, Rodie Ann Tanallon, Pricess Danica Morin, at Angelica Lobrigo.
Pumili naman ang mga judges ng top 5 mula sa naturang mga kandidata kung saan ang magiging Best in Talent ay malalaman sa Grand Pageant Night sa Aug 28 sa Libungan, Cotabato.
Ipinagpasalamat ni Mayor Jaime Mahimpit ang suportang ipinakita ng mga mamamayan ng President Roxas sa talent presentation ganon din sa tiwalang ipinagkaloob ng Provincial Government of Cotabato upang doon gawin ang aktibidad.
Sa kanyang mensahe, sinabi naman ni Gov Emmylou “Lala” J. Talino-Mendoza na farm-out o ginagawa sa iba’t-ibang bayan ng Cotabato ang mga aktibidad ng 103rd Founding Anniversary ng Cotabato at 7th Kalivungan Festival upang maramdaman ng mga mamamayan at makiisa sila sa pagdiriwang.
Umaasa din ang gobernadora na mula sa 13 mga dilag ay may isa o higit pa na magdadala ng pangalan ng lalawigan sa mga national at international beauty pageant.
Hosts naman ng Talent Presentation sina Mutya ng North Cot 2016 Kyla Ocso at Star Magic Talent at Model Aldrico Padilla. *(JIMMY STA CRUZ – PGO IDCD/Media Center)*
*PICS: ALEXANDER ANGELES*