Mga kandidato at partido, pina-alalahanan na ng Comelec sa paghahain ng kanilang SOCE

 

Pina-alalahanan na ng Commission on Elections ang lahat ng kandidato at electoral parties na maghain na ng kanilang  Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).

 

Itinakda ng Comelec sa June 13, 2019 ang deadline ng paghahain ng SOCE ng mga kandidato.

 

Ayon sa Comelec, maging ang mga natalong kandidato at ang mga hindi tumanggap ng campaign donations ay obligado rin na maghain ng SOCE.


 

Pina-alalahanan din ng Komisyon ang mga kandidato at ang mga partido na dapat ay kumpleto ang mga dokumentong isusumite nila sa poll body.

 

Mahaharap anila sa administrative sanctions ang mga kandidato at electoral parties na mabibigong tumalima sa nasabing panuntunan.

Facebook Comments