Nagpaalala ang Commission on Elections o COMELEC, ukol sa mahigpit na pagbabawal ng pangangampanya sa semana santa.
Sa Isang panayam kay COMELEC Dagupan Election Supervisor Atty Michael Franks Sarmiento, nawa ay makiisa ang mga kandidato sa itinuring na Quiet Period, partikular ang Huwebes at Biyernes Santo.
Aniya, posibleng maging election offense ito sa mga mapapatunayang mangangampanya.
Paglilinaw ng COMELEC, lahat ng uri ang ipinagbabawal, mapa-motorcade, caucus o pagpupulong at pangangampanya sa social media.
Nagpaalala rin ang komisyon sa mga supporters na makiisa sa umiiral na batas ukol sa naturang usapin.
Umaasa naman ang ilang pangasinense na igagalang ng mga kandidato ang kwaresma para makapagnilay-nilay ang mga ito.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









