Pananagutan ng social media platforms sa mga mapanganib na content, iginiit ng isang kongresista

Iginiit ni Antipolo City Representative Romeo Acop ang pananagutan ng mga social media platform, gaya ng kumpanyang Meta, sa paglaganap ng mga pekeng balita at mapanirang content.

Ayon kay Acop, base sa pahayag sa pagdinig ng House Tri-Committee ng kinatawan ng Meta ay tila ipinapasa nito ang buong responsibilidad sa mga user ng kanilang platform.

Sa hearing ay binanggit ni Dr. Rafael Frankel, Director of Public Policy for Southeast Asia ng Meta, na mayroon silang community guidelines upang itaguyod ang proteksyon at kaligtasan ng users kaakibat ang kalayaan sa pagpapahayag.


Bunsod nito ay binigyang-diin ni Acop na panahon na at mas makabubuti na repasuhin ang umiiral na legal framework ng bansa para sa social media platforms.

Katwiran pa ni Acop, dito nag-uugat ang mungkahi na magpatupad ng accreditation o registration ng social media platforms na nag-o-operate sa ating bansa.

Facebook Comments