General Santos City—Humabol sa huling araw ng Filing ng Certificate of Candidacy ang partidong Achievement With Integrity Movement o AIM na mahigpit na kalaban ng partidong People’s Champ Movement kahapon.
Pinangunahan ng kanilang tatakbong Mayor na si Jay Omilla ug at Bese Alkalde na si Tonton Acharon ang paghain nila ng COC sa Comelec kaninang umaga kasama ng kanilang kasamahan sa partido.
Nandoon din si 1st District Congressman Pedro Acharon Jr. para suportahan ang mga kapartido nito sa pagfile ng kanilang COC.
Napag-alaman na unang lumabas ang pangalan ni Congressman Acharon na tatakbong alkalde sa Gensan na syang babangga sa kandidatura ni Gensan City mayor Ronnel Rivera.
Pero kanina nilinaw nito na hindi sya tatakbo dahil mag Focus muna ito sa kanyang pamilya lalo na na may iniindang karamdaman ang kanyang misis.
Samantala nag File naman ng kanyang COC si Former Councilor Arthuro Cloma sa Comelec South Cotabato na tatakbo namang representante ng unang distrito ng South Cotabato.