Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos ang lahat ng mga local at national candidates para sa eleksyon 2022 na sumailalim sa drug testing.
Ayon kay PNP chief, bagamat walang batas na nag-oobliga sa mga kandidato sa eleksyon na sumailalim sa drug testing, magiging magandang example aniya sa mga Pilipino ang sasailalim dito para mapatunayang hindi gumagamit nang anumang uri ng iligal na droga.
Matatandaang kamakailan ay may anunsyo ang Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential aspirant ang umanoy gumagamit ng cocaine pero hindi nya ito pinangalanan.
Sinabi ni PNP chief, hanggang ngayon ay nangangalap sila ng karagdagang impormasyon sa nabanggit ng impormasyon ng Pangulo para masimulan ang Imbestigasyon.
Nakadepende aniya sa makukuha nilang sapat na ebidensya ang itatakbo ng isyung ito.
Giit pa ni PNP chief na ang sinumang indibdiwal na may history ng paggamit ng droga ay posibleng maaresto pero dapat ay may outstanding warrant of arrest may kaugnayan sa drug offense.