MANILA – Inupakan ni Sen. Grace Poe ang umanoy selective justice ng administrasyong Aquino.Sumentro ang atake ni Poe kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at mga problemang kinakaharap ng MRT-3.Iginiit ni dating DILG Sec. Mar Roxas na walang pinipili ang administrasyon sa mga kinakasuhan.Nagkasagutan naman sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Roxas kaugnay sa usapin ng droga at kriminalidad sa bansa.Bwelta ni Duterte – wala nagawa si roxas para labanan ito samantalang hawak niya ang PNP.Ibinida ni Roxas – ang mahigit 7 bilyong pisong halaga ng nakumpiskang shabu gayundin ang mga nahuling pusher at dealer.Samantala… nagkainitan sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Poe sa isyu ng citizenship ng Senadora.Muling sinabi ni Binay na ikinahihiya ni Poe ang kanyang pagiging pinoy matapos na abandonahin ang kanyang citizenship at mas piniling manumpa bilang isang american citizen.Giit naman ni Poe, wala sa kulay ang pamumuno sa bansa kundi nasa pagmamahal sa bansa.Sa kabila ng mainit na sagutan, sinangayunan naman ng apat na kandidado ang pagsasabatas sa freedom of information bill.
Mga Kandidato Sa Pagkapangulo, Nagkainitan Sa Ikalawang Pili-Pinas Debate
Facebook Comments