Nasa 15 kandidato sa pagka-presidente at 12 sa pagka bise presidente ang posibleng aprubahan ng Commission on Elections para sa halalan sa susunod na taon.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nasa 82 motu propio cases ang inihain ngayon sa mga nagsumite ng kanilang Certificates of Candidacy sa pagkapangulo habang 15 naman sa vice president at 108 sa senador.
Ipinaliwanag naman ni Jimenez na hindi sila basta-basta na lamang nagdedeklara ng mga aspirant bilang nuisance para lamang mabawasan ang bilang ng mga kandidatong lalahok sa eleksiyon.
Inaasahang sa disyembre 15 ilalabas ng COMELEC ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa May 9, 2022 elections.
Facebook Comments