Kanya-kanyang pakulo sa pangangampanya ang mga kandidato sa Pangasinan ngayong nalalapit na ang halalan.
Ang ilan sa mga kandidato, nagsimula ng mag house to house sa mga barangay para ipakilala at ikampanya ang mga sarili.
Habang ang ilan, umiikot at pinapatunog ang kanilang mga campaign jingle gamit ang isang sasakyan upang mapakinggan at tumatak sa mga botante ang kanilang mga numero.
May mga Ilan na nakipagpulong sa ilang residente upang ipakilala at ilatag ang kanilang mga plataporma kung sila man ay ma-ihalal sa nilalabanang posisyon.
Patuloy naman na nagbabantay ang awtoridad sa kaligtasan, kapayapaan at maayos na pangangampanya ng mga kumakandidato upang maprotektahan rin ang mga ito pati na ang mga botante. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments