Mga kandidato sa SK at barangay elections sa bayan ng Datu Salibu, Maguindanao, sumailalim sa orientation-briefing, lumagda sa peace covenant!

Tinitiyak ni Datu Salibo Mayor Norodin Salasal na magiging maayos, malinis, matiwasay at mapayapa ang gaganaping SK at barangay elections sa kanilang bayan sa darating na May 14.
Ito’y matapos na lumagda sa kasunduang pang-eleksyon nitong Lunes ang mga kandidato sa halalang pambarangay.
Sinabi pa ni Mayor Salasal na sa 17 na mga barangay sa kanilag bayan 7 dito ay contested, anya, abot naman sa 30 ang kumandidato sa pagka-barangay chairman tanda ng pag-iral ng demokrasya sa kanilang bayan, kumpleto rin ang mga kandidato sa SK.
Umaasa ang alkalde na tatalima ang mga ito sa kanilang nilagdaan kasunduan na tutupad sila sa mga itinakdang rules and regulations ng COMELEC at hindi magbabangayan, walang magaganap na vote buying at higit sa lahat hindi nila aantalain ang proklamasyon ng mananalong kandidato.

Facebook Comments