SA WAKAS! | Taxi drivers na gumagamit ng app ng TNC, pwede nang i-rate ng mga pasahero

Manila, Philippines – Pwede nang i-rate ng mga pasahero ang mga taxi driver na gumagamit ng applications ng Transport Network Companies.

Sabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada – Makatutulong ito sa mga operator para salain ang mga abusadong driver.

Madalas kasing idinadaing ng mga taxi operator ang pagpapataw sa kanila ng penalty sa kasalanang nagagawa ng mga pasaway na driver.


Kaya sa tulong ng app, pwedeng i-blacklist ng mga operator ang taxi driver na may mababang rating lalo na kung apektado na ang kanilang negosyo.

Nabatid na gagamit ng mga tacxi ang mga bagong TNC na Hirna, Hype at MICAB.

Facebook Comments