Mga kandidatong hindi susunod sa panuntunan sa pangangampanya, binalaan

Manila, Philippines – Nagbabala ang Comelec sa mga kandidatong hindi susunod sa panuntunan sa pangangampanya.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dapat tiyakin ng mga kandidato na naaayon sa Comelec rules ang kanilang campaign materials o advertisement.

Dapat aniya ang sukat ng poster o tarpaulin ay two feet by three feet at dapat ay nakalagay ito sa common poster area.


Aniya, mahaharap ang kaukulang parusa ang mga kandidatong hindi susunod sa panuntunan ng poll body.

Sa February 12 ang simula ng campaign period para sa mga kandidato sa national habang sa March 29 naman ang simula para sa local candidates.

Facebook Comments