Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng mga kandidato ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na mapapatunayang nagbibigay ng pera sa New People’s Army (NPA) na sila ay mapapanagot sa ilalim ng batas.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang mga kandidatong bumigay sa “permit to campaign” at “permit to win” ng NPA ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 10168, o Anti-Terror Financing Act of 2012.
Ani Acorda, makokonsidera kasi itong pagsuporta sa terorismo.
Sa ngayon, wala namang namomonitor ang pulisya ng ganitong istilo ng mga tumatakbo.
Base sa directorate intelligence data ng PNP bumaba na ang pwersa ng NPA sa 1,529 na lamang kung saan sa nasabing bilang 707 ang nasa Luzon, 575 sa Visayas at 247 sa Mindanao.