Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na sisingilin ang mga kandidatong mayroong illegal campaign materials.
Ayon kay Comelec Chairperson Sheriff Abas – nakasaad sa omnibus election code na ang magbabayad para sa expenses ng “oplan baklas” ay ang mga kandidato.
Sinabi pa ni Abas na ang mga nakumpiskang poster at tarpaulin ay itatago ng poll body bilang ebidensya laban sa election violators.
Kahit hindi pa nag-uumpisa ang kampanya para sa local officials, maaari nang baklasin ng Comelec ang kanilang campaign materials sakaling lumabag sila sa city ordinances.
Ikinalulungkot pa ng poll body na ang mga kandidato ay nagiging “epal”.
Facebook Comments