Matapos ang naganap na BSKE 2023 mayroon ng mga nanalo sa botohan para magsilbi sa kani-kanilang Barangay.
Ayon kay PDEA Pangasinan Provincial Director Rechie Camacho kailangang sumailalim ang mga nahalal na kandidato sa isang seminar o dialogue ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ukol sa kampanya ng ahensya at pamahalaan na laban sa ipinagbabawal na droga.
Kailangan aniyang maibahagi sa mga nanalong kandidato ang mga dapat gawing proseso para isasagawang Drug Clearing Program.
Bukas ang ahensya upang magbigay gabay sa mga barangay officials na nagnanais ng ganitong programa.
Isa sa layunin ng ganitong hakbang ay upang magkaroon ng preparasyon ang mga ito sakaling may mga kailangang buwaging drug den at upang maipalaganap ang malinis na komunidad laban sa mga droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments