ISRAELI AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES ILAN FLUSS, DUMALO SA BUROL NI ANGELYN AGUIRRE

Personal na dumalo sa burol ni Angelyn Aguirre, ang Pinay OFW sa Israel na isa sa mga pinatay ng grupong Hamas si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss.
Kinaumagahan ay bumalik pa ito sa bahay nina Angelyn bago ito inilibing sa isang sementeryo sa San Carlos City.
Ayon sa opisyal, isang bayaning maituturing si Angelyn hindi lang sa Pilipinas maging sa Israel kung saan ay ipinakita nito ang kabayanihan nang hindi iwanan ang kanyang mga amo sa kasagsagan ng pagsalakay ng grupong Hamas sa nasabing Bansa.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni Fluss ang tulong at ayuda sa mga kaanak ni Angelyn na naiwan sa bayan ng Binmaley.
Sa kabilang banda, maging mga Pinoy na nananatiling naiwan at nagtatrabaho sa Israel ay makakaasa aniya ng pagtutok at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan lalo na sa usaping pang kaligtasan ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments