Ino-obliga na ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang mga Kapitan ng 201 Barangays sa Lungsod na maglagay ng 24/7 COVID Hotlines.
Layon nito na mapabilis ang komunikasyon sa mga residente ng Barangay na may concern habang sila ay may naka-quarantine.
Ayon kay Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, sa pamamagitan ng Barangay Hotline System ay mababawasan ang paglabas-labas ng mga residente sa kanilang bahay at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Aniya, ang iniiwasan nila ay ang pagkukumpulan sa Barangay Hall ng mga residenteng nagtatanong ng schedule ng delivery ng food packs, pagpapalista ng beneficiaries at ang pagtatanong ng schedule ng disinfection sa kanilang lugar.
Sinabi ni Mayor Rubiano na kahit tig-iisang Barangay COVID hotline ay makakatulong na para maiwasan ang paglabas ng constituents.