Mga karagdagang permanent shelters, nakatakdang ipasakamay ng pamahalaan sa mga taga-Marawi

Nakatakdang ipasakamay ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang karagdagang housing units sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dulot ng giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group noong 2017.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairman at DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, tinatayang nasa 400 housing units ang ipagkakaloob ng ahensya sa mga Marawi internally displaced persons o IDPs.

Positibo si Del Rosario na makakabangon na ang ekonomiya sa lungsod kasunod ng pagtatapos ng mga infrastructure projects at mas maraming IDPs ang inaasahang makakabalik na sa most affected area sa mga susunod na buwan.


Nakatakdang namang ibigay ang mga housing units sa Mayo na isasabay sa Week of Peace celebration.

Facebook Comments