Tatlong high value drug personalities arestado matapos makuhaan ng 136 milyong pisong halaga ng shabu

202

Huli ang tatlong high value drug personalities sa mas pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ikinasa ang operasyon nang pinagsanib na pwersa ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Molino Blvd., Brgy Mambog IV, Bacoor City, Cavite kagabi kung saan nakuha sa tatlong drug suspek ang nasa 20 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 136 milyong piso.

Kinilala ang mga naaresto na sina Isaac Gabriel Paydon Ambulo, 29 anyos, Roman Hosias Paydon Ambulo, 25 anyos at Abdurrahim Disomimba Ambulo, 41 anyos.


Sa ngayon nahaharap na sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PNP Chief ang mga pulis at PDEA agents na nagsagawa ng matagumpay ng anti-illegal drugs operation.

Panawagan nya sa kanyang mga tauhan na ituloy lang ang mga operasyon kontra iligal na droga.



Facebook Comments