Mga karapat-dapat na benepisyaryo ng 4Ps, dapat masuri ng maigi ayon sa Gabriela Partylist

Manila, Philippines – Nais ngayon ng Gabriela Partylist na amyendahan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS) upang masigurong mapunta ito sa tunay na nangangailangan.
Sa interview ng RMN kay Gabriela Representative Emmi de Jesus, hindi naging tama ang proseso at nagkaroon ng anomalya sa tamang pagpili sa mga benepesyaryo nito.
Hindi din aniya ito nakatulong dahil wala naman talagang konsepto ang nasabing programa na magpapa-angat sa buhay ng mga mahihirap na Pilipino.
Ipinanawagan din ni de Jesus na suriing maigi ng pamahalaan ang bawat benepisyaryo lalo na’t malaking pondo ang inilalalaan nila dito.

Facebook Comments