Mga karatula na may nakasaad na mga patakaran at paalala para sa paglaban sa COVID-19 ikinalat ng PNP sa ibat ibang highway patungo sa NCR Plus

Nagpakalat ng karatula na may nakasaad na mga patakaran at paalala para makaiwas ng COVID -19 ang Philippine National Police (PNP) sa national highway, expressway at iba pang daanan.

Ito’y para sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan at mga pribadong motorista mula sa mga lugar sa Hilaga at Timog Luzon na hindi sakop sa NCR Plus bubble.

Kabilang dito ang sa Angeles City Exit, Pulilan, Bulacan Exit sa NLEX. Pozorubbio Exit sa TPLEX, at iba pa.


Nakasaad dito na dapat ipakita ng driver at sakay nito ang kanilang mga ID para patunayan na sila ay Authorize Persons Outside of Residence (APOR) dahil essential travel lang ang pinapayagan sa lugar na nasa Enchanced Community Quarantine (ECQ).

Mayroon ding paalala sa pagsunod sa health protocol.

Nakalagay din sa mga karatula ang pagpapatupad ng 6pm hanggang 5am curfew at pagbabawal sa mass gathering.

Batay pa sa paalala ng PNP na para maiwasan ang abala, mahalagang alam na ng driver at pasahero ang guidelines sa mga pupuntahan.

Facebook Comments