LINGAYEN, PANGASINAN – Nagpaalala ang PNP Pangasinan hinggil sa umiiral na polisiya ng pamahalaan pag-dating sa mga alituntunin na itinakda ng IATF-EID upang labanan ang COVID-19 partikular na sa mga kainan. Binigyang diin kasi ng PNP Pangasinan na bawal pa rin sa ilaim ng GCQ ang anumang gawain na nanghihikayat sa dami ng tao, tulad na lamang ng pag dine-in sa mga kainan.
Dapat umanong sundin ng mga nasabing establisyemento ang mahigpit na pagpapatupad ng take-out policy at ilang minimum health standards na umiiral sa ilalim ng GCQ. Ang sinoman kasing mapapatunayang lalabag dito ay haharap sa kasong paglabag sa bayanihan to heal as one act. Mahigpit ang
Nito lamang linggo ay nahuli ang nasa 5 may-ari ng karinderya sa Villasis, Pangasinan dahil sa aktong pagpapa dine-in ng mga customer sa kanilang establisyemento. Ayon sa Hepe ng PNP Villasis na si Lt. Col. Fernando Fernandez Jr., ang mga mag-ari ay nahuli sa magkakahiwalay na pagpapatrol sa bayan at nasampahan na ng kaukulang kaso.
Samantala, paalala ng pulisya sa mga may-ari kainan sa lalawigan na sumunod sa protocols na ipinatutupad ng kinauukulan upang maiwasan ang aberya sa pagnenegosyo.