Mga kasama sa Narco-List, pinapakasuhan na ng mga senador

Iginiit ni Senate President Tito Sotto sa Department of Interior and Local Government (DILG) na huwag ng idaan sa media ang Narco-List.

Paliwanag ni Sotto, siguradong hindi palalampasin ng media ang Narco-List kaya magkakaroon agad ng exposure ang mga kasama dito.

Ayon kay Sotto, ang mabuting gawin ng DILG ay direktang agad na imbestigahan ang mga personalidad na kasama sa Narco-List.


Maging si Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo “Ping” Lacson ay nagsabi din na kung may mga ebidensya ay kasuhan na agad ang nasa Narco-List sa halip na ilantad ang mga ito kahit hindi pa beripikado.

Diin naman ni Senator Nancy Binay, ang pinakamatibay na solusyon ng pamahalaan laban sa iligal na droga ay ang paghahain ng kaso laban sa mga kasali sa Narco-List.

Para kay Binay, maituturing lang na propaganda ang pagsasapubliko ng Narco-List na hindi pa suportado ng matibay na ebidensya.

Facebook Comments