Manila, Philippines – Libu-libong mga kasapi ng Kadamay angnagtipon tipon sa harapan ng Ombudsman sa Agham Road upang tumulak patungong Mabuhay Rotonda.
Ayon kay Kadamay Spokesman Carlito Badion mahigit sa walong libong kasapi ng Kadamay na galing pa sa Pandi Bulacan ang sumama sa kanila upang ipanawagan kay pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang 750 pesos na National Minimum Wage sa mga manggagawa ngayong Labor Day.
Paliwanag ni Badion 30 porsyento lamang ang mababawas sa kabuuang kita ng mga nangungunang isang libong Corporasyon sa Bansa habang sa Small and Medium enterprises 10 porsyento lamang ang mababawas sa kanilang kabuuang kita kayat walang dahilan para pigilan ang pagdagdag ng 750 pesos na minimum na sahod sa mga manggagawa.
Kaugnay nito hinamon din ng grupong Kilusang Mayo Uno sipangulong Duterte na alisin na ang lahat ng uri kontraktualisasyon dahil ito umano ang pahirap sa mga manggagawa.
Mga kasapi ng KADAMAY, lulusob sa Mendiola
Facebook Comments