Tatlo sugatan,sa salpukan ng kotse ay motorsiklo sa Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang tatlong katao matapossalpukin at makaladkad pa ng kotse ang isang motorsiklo sa Sampaloc, Maynilamag-aalas dos ng madaling araw.
  Sakay ng motorsiklo ang mag-asawang Reynante at JessaMarto na liliko sana pakaliwa sa Lacson Avenue mula sa España Blvd.
Pero bigla silang sinalpok ng gray na kotse na minamanehoni Jan Michael Medina na binabagtas noon ang España Blvd. patawid ng LacsonAvenue.
  Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mag-asawangMarto at nakaladkad ang kanilang motorsiklo.
  Dinala sa ospital matapos magtamo ng sugat si Reynantehabang nagkaroon ng bukol sa ulo si Jessa.
  Nabasag din ang windshield at nayupi ang harapang bahaging kotse at buti na lang ay gumawa ang airbag.
  Isinugod din sa ospital si Medina matapos magkagalos saibat ibang bahagi ng katawan at iinda ang kanyang dibdib.
  Hindi pa malinaw kung sino ang may kasalanan sa aksidenteat kung aling traffic light ang naka-go nang mangyari ito.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng ManilaTraffic.

Facebook Comments