Masyado pang maaga para magdiwang ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao city.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo matapos maglabas ng kautusan ang Davao City court na nag-aatas sa PNP na tanggalin ang lahat ng barriers at barricades sa compound ng KOJC.
Ayon kay Fajardo, tanging mga barikada lamang ang ipinatatanggal ng hukuman pero walang sinabi ang korte na itigil na ang pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa puganteng si Apollo Quiboloy.
Wala din aniyang sinabi ang korte na paalisin na ang puwersa ng kapulisan sa KOJC Compound.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang PNP sa mga kasapi ng KOJC na sundin at respetuhin ang desisyon ng korte.
Patuloy rin silang umaapela kay Quiboloy na sumuko at harapin na lamang ang kaso sa hukuman.