Nagpapatuloy ngayon ang pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security na pinamumunuan ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ukol sa red tagging.
Physically present sa hearing sina Bayan Muna Party List Representative Carlos Isagani Zarate, sina dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares at Teodoro Casiño habang virtually present naman si Kabataan Party list Representative Sarah Jane Elago.
Sa panig naman ng government security officiala ay present sina National Security Adviser Hermogenes Esperon, at ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines habang virtually present naman si General Antonio Parlade na syang hepe ng Southern Luzon Command ng AFP.
Sa pagdinig ay mariing itinanggi ni Zarate na siya ay opisyal o miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) at hindi rin sya rebelde o miyembro ng National Democratic Front of the Philippines.
Diin ni Zarate, ang Bayan Muna ay hindi binuo o kinokontrol ng communist party.
Ayon kay Zarate, ang Bayan Muna at iba pang miyembro ng Koalisyon ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ay mga lehitimong partido na naniniwala sa paglahok sa parliamentong palikibaka para sa pagsusulong ng mga reporma at pagbabago sa ating lipunan.
Itinanggi rin ni dating Bayan Muna representative Casiño na sya ay miyembro ng CPP, at giit nya ang kanyang organisasyon ay hindi front ng CPP-NPA-NDF at wala rin silang ginagawang ilegal.
Isiniwalat din ni Casiño na umaabot na sa 2,596 mula sa kanilang hanay ang ilegal na inaresto, at 973 ang ilegal na ikinulong ng walang basehan at iplinanta lang ang mga ebidensya.
Ayon kay Casino sila ay nangangamba na ang todo todong red tagging at terrorist labeling ay paghahanda sa isang crackdown sa mga casue-oriented groups at oposisyon gamit ang Anti Terorrism Law.
Samantala, ang pagdinig ngayon ng Senado ukol sa red tagging ay sinabayan naman ng pagtitipon sa harapan ng Senate compound ng mga miyembro ng League of Parents of the Philippines at Liga Independencia Pilipinas.
Ang LPP ay grupo ng mga magulang na nawawalan o namatayan ng mga anak na umano’y ni-recruit ng mga militanteng grupo at naging miyembro ng NPA.