Mga kaso ng COVID-19 sa QC, umakyat na sa 72

Pumalo na sa 72 bilang ng kaso na positibo ng COVID-19 kung saan nadagdagan ng 10 ang tinamaan ng nakamamatay na virus sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Health Department, ang 10 ay mula sa District 1 sa Barangay Lourdes- 1, District 3 sa Barangays West Kamias -1 at Barangay Matandang Balara -1

Mula sa District 4 sa Barangays Bagong Lipunan sa Crame- 2, South triangle -1 at Paligsahan-1  at sa District 6 sa Barangay Culiat ay 2 at Barangay Sauyo -1 ang tinamaan ng COVID-19.


Base sa rekord  ng Quezon City Department, sa District 1 ang mga apektado ng COVID-19 ay ang Barangays Bagong Pag Asa, Bahay Toro, Bungad,Del Monte,Lourdes, Maharlika,Phil-Am, Project 6, Ramon Magsaysay, San Antonio at San Isidro Labrador.habang sa District 2 sa Barangay Bagong Silangan at Batasan Hills , District 3 sa Barangays E Rodriguez at Batasan Hills.

Sa Distict 3 sa Barangays E Rodriguez, Marilag, Masagana,Matandang Balara, Pansol, San Roque, Socorro,Ugong Norte, West Kamias at White Plains at sa District 4 Bagong Lipunan ng Crame,Damayang Lagi, Don Manuel,Dona

Imelda, Horse Shoe, Immaculate Concepcion, Kalusugan, Kristong Hari, Paligsahan, Pinyahan, Sacred Heart, San Martin de Porres, South Triangle, Tatalon at Valencia

Sa District 5 sa Barangays Bagbag, Fairview,Kaligayahan, Pasong Putik at sa District 6 sa Barangays Culiat,Pasong Tamo, Sauyo at Tandang Sora.

Facebook Comments