Mga kaso ng COVID-19 sa QC, umakyat na sa mahigit 90

Umakyat na sa 97 ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City ngayon makaraang makapagtala ng dagdag na 10 kaso sa lungsod.

Ang 10 bagong mga kaso ng COVID-19 ay mula sa District 1, sa Barangays Bahay Toro – 1, Mariblo – 1, San Isidro Labrador – 2, San Jose – 1 at West Triangle – 1,

Sa District 2 – Barangay Bagong Silangan – 2, District – 4 -Barangay Dona Imelda -1 at District 6 – barangay Culiat – 1.


Nadagdagan naman ng isa o nasa kabuuang 14 na ang namamatay sa Quezon CIty dahil sa COVID-19.

Dalawa namang pasyente ang naka recover sa COVID-19 sa Quezon City o may kabuuang 9 katao na ang gumagaling na pasyente sa lungsod.

Patuloy namang binibigyan ng pagkain at hindi pinalalabas ng kanilang tahanan ang mga nasa loob ng RED zone o nasa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) sa barangays Tandang Sora, kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, BL Crame, South Triangle, Culiat at Bahay Toro. Ang mga lugar na ito ay lampas sa 2 ang kaso ng COVID-19 kaya naisailalim sa Red Zone.

Ang Barangay Central ay naisama sa Red Zone Area dahil sa mga ospital sa kahabaan ng East Avenue tulad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Heart Center, Lung Center, East Avenue Medical Center ay pawang may mga ginagamot na pasyente na may COVID-19.

Facebook Comments