Manila, Philippines – Balak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na isampa na sa susunod na linggo ang kaso laban kay Senadora Risa Hontiveros.
May kaugnayan ito sa aniyay paglabag ni Hontiveros sa kanyang karapatan sa pribadong komunikasyon at paglabag sa Anti-Wire Tapping Act.
Ayon kay Aguirre, bukod sa kasong kriminal, sasampahan din niya si Hontiveros ng ethics complaint sa Senado.
Posible rin aniyang magsampa siya ng civil case laban sa senadora.
Nag-ugat ito sa pagbubunyag ni Hontiveros sa nilalaman ng text message ni Aguirre kay dating Cong. Jacinto Paras.
Facebook Comments