Mga kasong isinampa ng NBI at PAO kaugnay sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos, pag-iisahin ng DOJ

Manila, Philippines – Pag-iisahin na lamang ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong kriminal na isinampa ng NBI at PAO kaugnay ng pagkakapatay kay Kian Loyd delos Santos.

Kinumpirma ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos na magsampa na rin kahapon ang NBI ng kaso laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian.

Kabilang sa mga kasong isinampa ng NBI sa DOJ ay murder, paglabag sa domicile at ang hinggi sa pagtatanim ng ebidensya.


Nauna na ring nagsampa ang Public Attorney’s Office ng kasong murder at paglabag sa anti-torture law laban sa apat na pulis ng Caloocan.

Facebook Comments