Mga katutubo sa bansa na nagpabakuna kontra COVID-19, halos nasa kalahating porsyento pa lang

Nasa 40 hanggang 50 percent pa lamang ng mga katutubo sa buong bansa ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Pablito Gonzales, pinuno ng National Committee on Central Cultural Communities ng National Commission of Indigenous Peoples na karamihan sa mga katutubo ay naniniwala na kaya nilang lagpasan ang pandemya ng COVID-19 nang hindi kailangang magpabakuna.

Sinabi ni Gonzales na batay sa paniniwala ng mga katutubo, mayroon silang kakaibang kaalaman, sistema at mga practices na batay sa kanilang paniniwala upang malabanan ang pandemya.


Magkagayunpaman ayon kay Gonzales, patuloy pa rin nilang hinihikayat ang iba’t ibang grupo ng katutubo sa bansa na magpabakuna upang protektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19.

Dagdag pa ni Gonzales, nakikipagtulungan sila sa Department of Health (DOH) para paliwanagan ang mga katutubong naninirahan sa mga bulubunduking lugar sa bansa kaugnay sa proteksyong makukuha nila sa bakuna.

Facebook Comments