MGA KATUTUBO SA BAYAN NG SAN MARIANO, TUMANGGAP NG TULONG

Cauayan City, Isabela- Namahagi ng entrepreneurial assistance ang ilang mga ahensya ng gobyerno kasama ang LGU San Mariano sa mga katutubong mamamayan ng Sitio Villa Miranda, Barangay Dibulan, San Mariano, Isabela.

Binisita ng ilang mga kinatawan ng NCIP, DA Region 2, DTI, CTEC, at San Mariano Municipal Agriculturist ang PRLEC Project ng TESDA na nagkakahalaga ng 1.3 Milyong piso na may layuning makapagbigay ng tuloy-tuloy na pangkabuhayan sa komunidad.

Bahagi ng dalawang araw na aktibidad ang pagbisita sa mga katutubo sa lugar, magsagawa ng refresher lectures sa pagtatanim ng mga gulay, mais, poultry production at pag-buo ng IP Association na mangunguna para sa mga proyektong pangkaunlaran sa mga katutubong mamamayan sa naturang lugar.

Samantala, sa nasabing aktibidad ay kinuha itong pagkakataon ni Ms. Leigh Nadine Elducal, Negosyo Center Junior Business Counselor ng DTI Isabela para ibahagi ang mga progmara ng DTI na kanilang ibinibigay sa mamamayan.

Kinonsulta rin ni Elducal ang Kapitan ng Dibuluan na tukuyin ang mga kababayan na maaaring maging benepisyaryo ng kanilang programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginahawa Program (PPG).

Facebook Comments