Mga katutubo sa Mindanao, tinawag ang CHR na walang kwenta

Inalmahan ng mga katutubo mula sa Mindanao ang pagdepensa ng Commission on Human Rights (CHR) sa operasyon ng mga Salugpungan School.

Tinawag ni Datu Nestor Apas ng Langilan Manobo Tribe ang CHR na walang kwenta dahil nagmistulang kaanib ng NPA ang ahensya.

Mas pinapahalagahan kasi nito ang karapatang pantao ng mga napapaslang na kaanib ng NPA kaysa pangalagaan ang karapatan ng may 1,000 elders at lider ng tribu na pinatay ng mga NPA.


Aniya, ang Salugpungan School ay ginagamit lamang na lugar-sanayan ng NPA.

Sa katunayan, maging ang pambangsang bayani na si Jose Rizal ay hindi tinuturo sa kanila, bagkus ang tinuturing bayani ang mga napapatay na miyembro ng kilusan.

Ayon naman kay Bae Anna Jessamae Crisostomo, mula sa Manobo tribe, hindi Lumad school kundi Tribal school na magtuturo sa kanilang kaugalian at tradisyon.

Facebook Comments