Palasyo, umapela sa lahat ng kawani ng pamahalaan na itaguyod ang Duterte legacy

Manila, Philippines – Nananawagan ang Office of the President sa lahat ng tanggapan ng pamalaan na manatiling masigasig sa pagsi-serbisyo sa bansa upang itaguyod ang Duterte legacy kung saan ang mga Pilipino ay namumuhay ng komportable, ligtas at malayo sa panganib.

Ito ay ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ang magsisilbing kabayaran ng pamahalaan sa walang sawang suporta na ipinapakita ng Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan kasi na base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station, nasa 78% na adult Filipino ang nagsabing kuntento sila sa performance ng Pangulo.


Ayon kay Panelo, hindi naman nagpapaapekto sa mga survey na ito ang Pangulo, at nagpapatuloy lamang ito sa paglilingkod at pagprotekta nito sa mga Pilipino.

Sinabi ni Panelo na hindi maitatanggi na nananatili ang paghanga ng mga Pilipino sa pangulo at sa polisiya ng administrasyon nito, sa kabila ng batikos ng mga kritiko nito.

Facebook Comments