Mga katutubo sa Oriental Mindoro na na-recruit ng NPA, sumuko sa PNP

Kusang loob na sumuko sa Philippine National Police (PNP) ang mga katutubo sa Oriental Mindoro o ang Mangyan Tribe na na-recruit na ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ang kanilang pagsuko ay malaking dagok sa operasyon ng mainstream Communist Terrorist Group dahil sila ang nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon, nagsu-supply ng pagkain, gamot at combat materials sa mga NPA.

Sinabi ni PNP Chief, ang mga sumukong katutubo ay kasalukuyang regular members ng Ganap na Kasapi sa ilalim ng Santahang Yunit Propaganda (SYP) at yang Bayan (MB) Lucio De Guzman Command ng Southern Tagalog Regional Party Committee.


Sa pag-iimbestiga pa ng Pulisya, natukoy nila na ang mga katutubong ito ay bumuo ng Barangay Revolutionary Committee (BRC) na pinamamahalaan ng isang Mean Santillan alyas “Kaida”, ang Secretary ng KLG-ICM.

Sila ang nakatutok sa mga propaganda ng mga local terorrist sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro.

Sa pagsuko ng mga katutubo ay isinabay nilang sinuko ang isang 9mm submachinegun, dalawang automatic pistols at itinakwil na ang CPP-NPA-NDF kasabay nang panunumpa na makikipagtulungan sa gobyerno.

Tiniyak naman ng PNP na magkakaroon ng panibagong buhay ang mga sumukong katutubong rebelde dahil sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

Facebook Comments