Mga Katutubong Agta at Bugkalot, Pinakain ng mga Kandidata ng Miss Asia Pacific International 2019!

*Cauayan City, Isabela-* Aliw na aliw ang mga kandidata ng Miss Asia Pacific International 2019 sa ginawa nilang pagpakain sa mga katutubong Agta at Bugkalot sa Siitan Nature Park, Nagtipunan, Quirino.

Bakas sa mukha ng mga katutubo ang tuwa’t saya nang sila’y mapakain at mabusog sa feeding program na isinagawa ng 55 na mga kandidata katuwang ang LGU Nagtipunan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Miss Klyza Castro, kinatawan ng Pilipinas sa naturang beauty pageant ay sobrang saya nito nang makasalamuha ang mga katutubong Agta habang sinusubuan niya ng pagkaing lugaw.


Ganun din ang pakiramdam ng ibang mga kandidata na nakahalubilo at nakasama ang mga batang katutubong Agta at Bugkalot sa natural park.

Samantala, naging matagumpay ang pagdalaw at pagbisita ng 55 kandidata sa lalawigan ng Quirino sa tulong na rin ng koordinasyon ng Pamahalaang Panlalawigan maging ang kapulisan at kasundaluhan dahil sa mahigpit na seguridad habang isinasagawa ang kanilang mga aktibidades.

Facebook Comments