Mga kauna-unahang nagpabakuna sa Dr. Jose Rodriguez sa Tala, Caloocan Hospital, hindi nakitaan ng adverse effect

Naging maayos ang naging pagpapabakuna ng unang tatlong isinalang sa ceremonial vaccination sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital.

Hindi kasi sila kinakitaan ng anumang adverse effects.

Mabusisi ang proseso dahil isinalang muna ang tatlo sa screening process.


Nang makitang maayos ang kanilang vital signs ay dumiretso na sila sa vaccination area.

Naunang sumalang si Medical Director Alfonso Pamaran at ang kanyang head nurse na si Sam Sumilang upang ipakita sa mga health employees na walang dapat ikatakot.

Sinundan naman ito ni Vaccine Chief Implementer Vince Dizon at Head Nurse Sam Sumilang.

Matapos maturukan ng Sinovac ay nanatili muna sa monitoring room ang tatlo para obserbahan.

Ayon kay Vaccine Chief Implementer Vince Dizon, handog ng gobyerno ang Sinovac sa mga health workers na isinulong ang buhay para makasagip ng iba sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Wala aniyang ikatakot ang publiko dahil dumaan ito sa pag-apruba ng Food and Drugs Administration (FDA).

Nagpapatuloy ngayon ang bakunahan at inaantay kung sisipot ang 178 na nagboluntaryo.

Nasa 600 vials ng Sinovac ang dumating sa naturang ospital kung saan ay 0.5 ml ang karga ng isang vial per person.

Facebook Comments