Manila, Philippines – Ikinatuwa ng mga empleyado ng COMELEC ang pagbasura ng Kamara sa impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Rachelle Fortuno, inaasahan na nila ang pagbabasura ng Kamara sa impeachment complaint kay Bautista dahil walang sapat na form at substansya.
Paliwanag ni Fortuno, hindi na mag-aalinlangan sa kanilang mga gagawing trabaho ang mga empleyado ng COMELEC dahil nalinis na ang pangalan ng kanilang chairman matapos ibasura ng Kamara ang impeachment complaint.
Umaasa ang mga empleyado ng COMELEC na matatanggap na rin ng publiko ang desisyon ng Kamara sa pagbasura sa impeachment complaint laban kay Bautista dahil naniniwala silang walang ginawang kasalanan ang COMELEC opisyal.
Facebook Comments