Inaprubahan na ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagpapalabas ng P15,000 service recognition incentive para sa lahat ng tauhan ng Department of Education (DepEd).
Kabilang dito ang halos isang milyong guro at non-teaching personnel ng DepEd.
Binigyan din ng basbas ni Duterte si Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla para sa pagproseso at pagpapalabas ng nasabing insentibo bago sumapit ang January 6.
Ang nasabing incentive ay matatanggap nang cash ng DepEd officials at mga empleyado at hindi idadaan sa kanilang ATM (automated teller machine) o sa payroll accounts.
Inatasan din ng pangalawang pangulo ang mga opisyal ng DepEd at ang school head na tiyaking maayos ang sistema ng pamamahagi ng pera para maiwasan ang mahabang pila sa pag-claim nito.