Mga kawani ng gobyerno, dismayado sa Duterte Administration sa hindi pagtupad sa pangako

Manila, Philippines – Dismayado ang karamihan sa mga empleyado ng gobyerno sa pamamahala ng Duterte Administration sa kawalan ng ngipin na ipatupad ang pangako nito na iregular ang lahat ng mga kawani ng pamahalaan.

Ayon kay Social Welfare Employees Association of the Philippines President Manny Baclagon hindi sub-contractualization ang kanilang kahilingan sa gobyerno kundi regularization.

Paliwanag ni Baclagon ang nais nila ay mabawasan ang kurapsyon sa gobyerno at ang mga opisyal ng gobyerno umano ay nangangailangan ng kanilang serbisyo at buwis na kanilang pinaghihirapan.


Una rito umaabot sa mahigit 67 libo a manggawa sa gobyerno am ang Contract of Service kung saan base sa CSC’s 2016 audit sa Burukrasya umaabot sa 2 punto 4 na milyon manggagawa sa gobyerno at pumapalo sa 592,162 ang bilang ng Job Order at Contract of Service na nagtatrabaho sa gobyerno ng walang benipisyo.

Umaasa ang mga manggagawa sa gobyerno na matutugunan ni Pangulong Duterte ang kanyang pangako na i-regular na ang lahat ng mga kawani sa pamahalaan.

Facebook Comments